Dalagita, 2 Beses Nilugso ng Sariling Ama ang Puri

LUMULUHANG DUMULOG sa tanggapan ng Caloocan City Police ang isang 13-anyos na babae upang ireklamo ang kanyang sariling ama na umano ay dalawang ulit na gumahasa sa kanya sa nasabing lungsod, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Ang biktima na sinamahan ng kanyang ina sa Women’s ang Children Protection Desk (WCPD) ng nasabing tanggapan ng pulisya ay itinago sa pangalang “Delia”, 13 anyos, estudyante at naninirahan sa # 207 A. Palon St., Brgy. 75, Zone 7, Caloocan City.

Samanatala, ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa nasabing himpilan ng puisya ay nakilalang si Wilfredo Buhol, 31, walang hanapbuhay at residente sa nasabing tirahan.

Base sa pahayag ng biktima, buwan ng Hulyo ng nakalipas na taon nang unang siyang pinagsamantalahan ng kanyang ama sa loob ng kanilang bahay at muling naulit nitong Marso 18, 2013 sa loob naman ng bahay ng kanyang lola dakong alas-2:30 ng hapon.

Sinabi ng biktima, tinakot siyang papatayin kapag hindi siya pumayag sa kagustuhan ng kanyang ama kaya nagpaubaya na lamang siya na maisagawa ang makamundong pagnanasa ng suspek.

Sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang tinakot ng ama ang kanyang anak na papatayin kaya muli, naisagawa na naman ng suspek ang kanyang masamang balak sa kanyang anak.

Matapos nito ay agad na nagsumbong ang biktima sa kanyang ina kaya hindi nagdalawang-isip ang ina ng bata na magreklamo laban sa suspek at hindi nagtagal ay inaresto na ang suspek na si Buhol sa loob mismo ng kanyang bahay.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.