Dalagita, 2 Beses Minanyak ng Amain

NAHAHARAP NGAYON sa kasong rape ang 40-anyos na lalaki ng Brgy. Pulong Buhangin, matapos daliriin ng dalawang beses ang menor de edad na anak na kanyang live-in partner.

Kinilala ni Supt. Lailene Amparo, chief of police ng PNP Sta. Maria, ang suspek na si Orly Nacion y Capuno, residente ng Blk. 17, Lot 6, Tiera De Santa Maria, Brgy. Pulong Buhangain, Sta, Maria Bulacan.

Sa impormasyong nakalap ng Pinoy Parazzi, dumulog sa himpilan ng pulis ang biktima na itinago sa pangalang Ricah, 15 anyos, high school student, at residente ng nabanggit na lugar kasama ang kanyang ina para isumbong ang ginawang panghahalay ng suspek.

Nabatid na unang hinalay ang biktima ng stepfather nito noong April 15, bandang alas-10 ng gabi habang natutulog katabi ang kanyang kapatid nang maramdaman ng biktima na ibinababa ng suspek ang kanyang suot na short at panty.

Nakita ng biktima ang suspek na hinihimas nito ang kanyang ari at makaraan ay pilit na ipinasok nito ang daliri sa loob.

Makaraan ang walong araw, bandang alas-11 ng gabi nang inulit na naman ng suspek ang pagdaliri sa biktima.

Agad nadakip ang suspek ng mga miyembro ng Provincial Public Safety Company at dinala sa Sta. Maria Municipal Jail.

 (TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.