Dalagita, 2 Beses Dinonselya ng Manyakis na Obrero

BALIUAG, BULACAN – ARESTADO ang isang 28-anyos na binata makaraang ireklamo ng dalawang beses na panggagahasa ng isang 13-anyos na dalagita sa Prominenza Subd., Brgy. Pagala sa bayang ito.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rezalino Andaya kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Vicente Doller Y Untado, @ Enteng, tubong-Ormoc City, stay-in laborer sa nabanggit na subdivision.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad sa biktimang itinago sa pangalang Alice, dalawang beses umano siyang  ginahasa ng suspek sa loob ng barracks, una, dakong alas-3 ng hapon at muli itong inulit ng alas-7:30 ng gabi nang Nobyembre 13, 2011.

Nabatid na bandang alas-11 ng umaga, inimbitahan ang biktima sa pamamagitan ng text message na pumunta sa barracks ng suspek na agad namang pinaunlakan ng dalagita dahil sa akalang mabuting tao ito sa kanya at tiwala rin dito ang kanyang pamilya.

Nadiskubre lamang ang panghahalay sa dalagita nang hanapin na ito ng kanyang ina, kung saan agad itong nagpa-blotter sa security guard na nawawala ang kanyang anak, na agad rin namang natunton sa loob ng bahay ng binata. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.