Dalagita, 2 araw ginawang sex slave

KAAWA-AWA ANG SINAPIT NG isang dalagita matapos itong kidnapin ng isang trike driver at dalawang araw na pagsawaan ang murang katawan bago natagpuan ang pinadalhan dito sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na sinamahan ng kanyang magulang sa himpilan ng pulisya upang pormal na magreklamo ay itinago sa pa-ngalang Joan, 15, ng Brgy. Pasolo, Valenzuela City.

Nakapiit naman ngayon sa detention cell ng Malabon City Police ang suspek na si Roden Palmon, 23, ng #22 Little Pampanga St., Bgy. Balangkas, Valenzuela City.

Ayon sa nakalap na impormasyon sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Malabon City Police, dakong alas-9:00 ng gabi noong Martes (February 1) nang kidnapin ng suspek ang biktima sa harapan ng simbahan ng San Diego de Alcala na matatagpuan sa Bgy. Polo, Valenzuela City.

Agad na dinala ng suspek ang biktima sa isang bahay sa Bgy. Tonsuya kung saan ay dalawang araw nitong pinagsasaan ang murang katawan ng dalagita.

Nang makarating naman sa kaalaman ng ina ang biktima ang ginawang pagtangay sa kanyang anak ay agad itong nakipag-ugnayan sa mga awtoridad hanggang sa may makapagsabing dinala ng suspek ang dalagita sa isang bahay sa Bgy. Tonsuya.

Agad namang nakipag-ugnayan ang mga ito sa pulisya at sa barangay officials hanggang sa matukoy ng mga ito ang pinagdalhan sa biktima at nang magtungo ang mga ito sa lugar na binanggit, nakita ng mga ito ang dalagita at ang suspek sa loob ng bahay dakong alas-3:00 ng madaling-araw.

Hindi na nagawa pang makapanlaban ng suspek nang arestuhin ito ng mga awtoridad habang umiiyak namang yumakap ang biktima sa kanyang ina hanggang sa ikuwento nito sa pulisya ang ginawa sa kanya ng pedicab driver sa loob ng dalawang araw.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.