Dalaginding, Ginawang Sex Slave ng Amain

SWAK SA piitan ang kelot matapos gawing parausan ang dalaginding na anak-anakan sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Benjamin Sta. Romana, 37, ng Deparo ng lungsod.

Sa ulat, alas-4 ng umaga, natutulog sa loob ng kuwarto sa nasabing lugar ang biktimang edad 12 nang pasukin ng suspek at lamasin ang mga maseselang parte ng katawan.

Nagising ang biktima na napasigaw na naging dahilan upang magising ang mga kaanak na naging dahilan upang i-padakip ang suspek.

Ayon pa sa salaysay ng biktima, grade 2 pupil pa lamang siya ay hinalay na ito ng suspek hanggang sa nitong huli ay naglakas ng loob na ibuko si Sta. Romana. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.