Dalagang tulak, laglag sa bato at damo

NAHULOG SA KAMAY ng mga awtoridad ang isang dalaga na hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot matapos itong makuhanan ng Shabu at Marijuana sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Navotas police at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang suspek na si Rowena Reyes, 30, ng #102 Champaca St., NBBS ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni P02 Alexander Dela Cruz, ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ng Navotas-PNP, dakong alas-11:45 ng gabi nang maaresto ang suspek sa kahabaan ng kalye Champaca St., NBBS.

Bago ang insidente, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa mga residente ng nasabing lugar hinggil sa talamak na bentahan ng iligal na droga.

Dahil dito, nagsagawa ng surveillance operation ang mga awtoridad at nang maging positibo ay isinagawa ang nasabing operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Narekober mula kay Reyes ang isang sachet ng Shabu at ilang pinatuyong dahon ng Marijuana.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.