Dalagang OFW, Tinangayan ng Pera Habang Nag-aabang ng Taxi

KULONG ANG isang lalaki matapos agawin ang bag na naglalaman ng pera ng isang dalagang Overseas Filipino Worker habang ang huli ay nag-aabang ng taxi sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Carlito Schofield, 40, ng Phase 3, Gozon Cmpd., Malabon City.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng hapon, nag-aabang ng masasakyang taxi si Ana Kristel Canlas, 27, sa B. Serrano St., ng lungsod nang agawin ng suspek ang dalang bag ng una na naglalaman ng P5,500 at 4,320 Dirhams.

Agad na nagtatakbo papatakas ang suspek habang nakahingi ng tulong sa mga nagpapatrolyang mga pulis ang biktima na naging dahilan upang habulin ang suspek.

Makalipas ang ilang saglit ay nadakip ang suspek at nabawi ang tinangay na bag na naglalaman ng mga nasabing halaga.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.