Dalagang negosyanteng Intsik, 2 pa, huli sa pagbebenta ng pekeng contact lense

ISANG NEGOSYANTENG CHINESE national ang dinakip ng mga awtoridad kabilang ang dalawa pa matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng umano’y pekeng contact lense/contact lense solution at walang kaukulang permit sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Caloocan City police at ng grupo ng Intergrated Philippine Association of Optomitrist (IPOD), kamakalawa ng umaga sa loob ng mall ng nasabing lungsod.

Ang mga naaresto ay nakapiit sa detention cell ng Caloocan City police at nahaharap sa mga kasong Violation of Section 10 RA 9711, Violation of Sec. 5, RA 8050 at PD856 sa Caloocan City Prosecutor’s office na sina Jackie Chua, 28, negosyante, Chinese national, residente ng # 2207 Orquieta St., Manila; Mark Hencxel Tan, 24, binata, salesman ng # 4 Pitacion St., Marulas, Valenzuela City; at Myra Salmo, 28, dalaga, saleslady, ng # 73 E. Nadela St., M. Tangos, Navotas City.

Sa ulat ni PO2 Jonathan Perillo, may hawak ng kaso ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Caloocan City, dakong alas 11:30 ng umaga nang isagawa ang operasyon sa loob ng Victory Central Mall na matatagpuan sa Rizal Avenue Ext., Monumento Caloocan City.

Ayon sa report ni Elizabeth Velasco, nasa hustong gulang, Board of Director ng IPOD, ng Unit 212 CRV Bldg. Imelda Avenue, Cainta Rizal, nakarating sa kanilang tanggapan ang talamak na bentahan ng pekeng contact lense/contact lense solution sa Victory Mall Caloocan City.

Dahil dito, agad na nakipag-ugnayan ang grupo ni Velasco sa mga tauhan ng Caloocan City police at isinagawa ang operasyon kung saan nahuli sa aktong nagbebenta sa loob ng pekeng contact lense/contact lense matapos madiskubreng hindi lisensyado ang nasabing mga produkto sa Food and Drugs Administration, natuklasan rin na walang kaukulang permiso si Chua para magbenta at mag-operate.

Narekober mula sa puwesto ng suspek ang mga contact lense/contact lense solution at iba pang medical devices na ginagamit sa kanilang mga customer sa pagkabit ng naturang produkto.

Ang nasabing operasyon ay bunsod na rin ng talamak na bentahan ng pekeng contact lense/contact lense solution sa iba’t ibang lugar kung saan marami na ang mga nabiktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.