Dalagang Miyembro ng ‘Dugo-Dugo Gang’, Tugis

PINAGHAHANAP NGAYON ng mga awtoridad ang 20-anyos na dalaga na umano’y miyembro ng Dugo-Dugo Gang, matapos itong mamasukan bilang saleslady sa isang bakery at tangayin ang pera ng kanyang amo sa unang araw nito kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Ang suspek ay nakilalang si Liway Martinez, tubong-Catarman Samar, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa reklamo ni Jenny Gonzales, 26, may-ari ng BM’s Bakery sa Kapanalig St., Maypajo, Brgy. 28, Caloocan City, Jan. 29, 2012 namasukan sa kanya ang suspek bilang saleslady.

Kinabukasan ay tumungo siya sa kanilang barangay hall para kumuha ng renewal permit sa kanyang tindahan, na sinamantala naman ng suspek.

Sa loob ng kanilang bahay sinabi ni Martinez sa kanyang nakababatang kapatid na si Rona na pinakukuha nito ang perang nakatago sa kanyang damitan para pambayad sa barangay.

Wala naman pag-alinlangan kinuha ni Rona ang pera na halagang P15,400 at ibinigay sa suspek.

Pagdating ni Gonzales sa bahay ay wala na si Martinez at kinumpirma sa kanya ng kapatid na pinakukuha nito ang pera sa damitan kay Martinez na ikinadismaya nito.

Agad na tumungo si Gonzales sa himpilan ng pulisya para pormal na magsampa ng reklamo laban kay Martinez.      (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.