Dalagang Maysakit, Minanyak ng Hilot

GINAHASA NG isang 50-anyos na manghihilot ang isang dalaga kahit may diperensya sa pag-iisip sa Brgy. FVR, Norzagaray, Bulacan.

Nakadetine na sa Norzagaray Police Detention Cell at nakatakdang sampahan ng kasong Rape ang suspek na si Florencio Lagasca, alyas Poil Hilot, binata, manghihilot, at residente ng Sitio Mataas na Kahoy, Brgy. FVR.

Sa ulat na nakarating sa Camp Alejo Santos sa Malolos City, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi nitong Miyerkules sa madamong lugar ng barangay.

Base sa inisyal im-bestigasyon ng mga awtoridad, ang biktima na itinago sa pangalang Rhoda, 18 anyos, out-of-school youth, residente ng Block-7, Lot-49, Phase-3, Brgy. FVR, ay dinala ng suspek sa madamong lugar sa Phase 2 ng Brgy. FVR sa ilalim ng tangke ng tubig, hinubaran ng damit at sa pinagsa-mantalahan.

Agad namang nada-kip ang suspek ng mga ng mga barangay tanod matapos isumbong ng biktima sa kanyang tiyahin ang nangyaring panggagahasa.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.