Dalagang may sakit sa pag-iisip, pinilahan ng 4 na kabataan

ISANG DALAGA NA may sakit sa pag-iisip ang paulit-ulit na pinagsamantalahan ng apat na kabataan sa Navotas City.

Ang biktimang sinamahan ng kanyang mga magulang sa himipilan ng pulisya upang pormal na magsampa ng kaso ay itinago sa panglang si Norma 19, residente ng 100 Interior Tagahanan St., Bagong Bayan ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang apat na kabataang suspek na sina Adam 13, Jason 14, James 15 at isa pang hindi nakikilala na pawang hindi pa matukoy ang mga tirahan.

Sa naging salaysay ng biktima kay P03 Belany Dizon ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas-PNP, dakong alas-2:00 ng hapon noong march 26 taong kasalukuyan nang maganap ang panghahalay kay Norma sa loob ng kanilang tahanan.

Nabatid na nagtungo sa bahay ng biktima ang mga suspek at ng mabatid ng mga ito na mag-isa lang ang dalaga ay halinhinan itong pinilahan ng apat na kabataan.

Matapos nito, nagkanya-kanya na ang mga suspek na tumakas habang ang biktima naman ay naiwang luhaan kung saan kamakalawa ay napansin ng magulang ng dalaga na matamlay ang kanilang anak.

Nang tanungin ng mga ito ang anak ay saka pa lamang ipinagtapat ng biktima sa kanyang mga magulang ang nangyari sa kanya dahilan upang agad itong samahan sa himpilan ng pulisya upang magpa-blotter.   (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Dalagang may sakit sa pag-iisip, pinilahan ng 4 na kabataan

Leave a Reply

Your email address will not be published.