Dalagang ina na celebrity, insecure o talagang maldita?

BLIND ITEM: Insecure ba o sadyang may pagkamaldita ang isang celebrity na isa ring dalagang ina?

Sa isa kasing corporate event, kinuha ang celebrity na ito para mag-host kahit na hindi naman talaga kagalingan sa pagho-host ang hitad.

Pinatuyan nga niya na wala naman talaga siyang ibubuga sa hosting dahil bukod sa hindi siya naghanda para sa event na ‘yun: nangangapa ng kanyang linya at hindi marunong mag-adlib, madalas pa siyang mapansin umano na nakanguso at naismid.

Hindi na sana ‘yun papansinin ng mga empleyado at mga bisita kung nagging maganda lang pakikitungo ni Celebrity sa kanilang president at executives.

Ang kaso, nu’ng photo-ops na, tumanggi raw magpa-picture ang celebrity na ito kasama ang president at executives.

Sa galit tuloy ng ilang empleyado, nasabi ng mga ito na malamang na-insecure ang hitad. Kasi nga naman, wala siyang ibubuga sa ganda ng mga asawa’t anak ng kanilang mga boss. ‘Yun na!

 By Parazzi Reportorial Team

loading...

3 thoughts on “Dalagang ina na celebrity, insecure o talagang maldita?

  1. Pingback: Dalagang ina na celebrity, insecure o talagang maldita? - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.