Dalagang Ina, Itinumba

MATINDING SELOS ang sinasabing isa sa motibo kaya pinaslang ang isang 31-anyos na vendor na babae sa Maryland Subdivision, Barangay Mangilag Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakailan.

Sinabi ni SPO3 Menardo del Mundo na dakong alas-10: 55 ng umaga habang nasa loob ng nirerentahang apartment ang biktimang si Edessa de Luna ay may kumatok sa pinto.

Nang buksan ang pinto at isinungaw ang ulo ay binaril ito ng hindi nakilalang suspek saka tumakas matapos bumulagta ang biktima.

Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na iniupa ang buhay ng biktima sa nasabing salarin base sa natagpuang sulat na nagsasaad ng pagbabanta.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.