DALAGANG IKAKASAL, NAGBIGTI

NANANATILING BLANGKO ANG pulis sa pagpapakamatay ng isang dalagang ikakasal na sana sa susunod na taon sa lalawigan ng Sarangani.
Sa ulat na ipinarating sa Pinoy Parazzi, nakilala ang biktimang si Maria Veronica Serna, 23-anyos ng Brgy. Domolok, Alabel.
Nabatid na natagpuan na lamang ng kanyang magiging mister si Serna sa loob ng kanilang bahay na nagbigti, gamit ang sinturon dakong alas-5:00 noong Biyernes.

Isinugod pa ng lalaki si Serna sa St. Elizabeth Hospital, subalit namatay rin bunsod ng matagal na pagkakabitin at kawalan ng hangin sa katawan.

Umapela naman ang kaanak ng biktima sa pulisya na imbestigahang mabuti ang pagpapakamatay ni Serna na ilang buwang buntis. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.