Dalagang Ikakasal, Ginahasa ng Pulis

PORMAL NA NAGSAMPA ng reklamo ng panghahalay ang isang 20-anyos na dalaga na nakatakdang ikasal ngayong buwan laban sa isang pulis sa Bacolod City.

Ayon kay Negros Occidental police provincial director Senior Supt. Allan Guisihan, humingi sa kanya ng tulong ang biktimang itinago sa pangalang Lumen at ang sinasabing nanghalay sa kanya ay may ranggong Police Officer 2 na nakatalaga sa La Castellana, Police Station, Negros Occidental.

Sa sinumapaang salaysay ni Lumen, ginahasa siya ng hindi pina-ngalanang suspek sa isang motel sa Bacolod noong Enero 9, 2011, kung saan inimbitahan siya ng suspek na masugid niyang manliligaw, subali’t laking gulat niya nang sa motel siya dinala.

Sinabi pa ni Guisihan na habang isinasailalim sa imbestigasyon ang biktima, agad na sinuspinde ang pulis at inilagay sa restriction sa Camp Alfredo Montelibano Sr. sa Bacolod City.

Kasabay nito, tiniyak ni Guisihan sa biktima na walang magaganap na white-wash sa isinasagawang imbestigasyon.

(ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.