Dalagang bigo sa pag-ibig, nagbigti

DAHIL SA kabiguan sa pag-ibig, isang 18-anyos na dalaga ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa bayan ng San Jose, Antique.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-7 ng umaga kahapon nang matagpuan sa banyo ang nakasabit na bangkay ng biktimang itinago lamang sa pangalang “Neneng”.

Ilan sa mga kakilala nito ang nagsabing posibleng dahil sa matinding depresyon sa pag-ibig kung bakit winakasan ng biktima ang kanyang buhay.

Wala namang makapagturo kung sino ang nobyo ni Neneng pero sinasabing mayroon daw itong crush sa lugar.

Nagtungo na rin ang pulisya sa lugar upang alamin kung may foul play sa pagpapakamatay ni Neneng. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.