Dalaga, Todas sa Kinalasang BF

PATAY ANG 18-ANYOS na dalaga matapos pagsasaksakin ng kanyang boyfriend nang hindi matanggap ng huli ang pagkikipagkalas ng una kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng krimen sanhi ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jennifer Jerodias, ng Galino St., 11th Avenue ng lungsod.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Jayson Bonza, 20, kalugar ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang pamamaslang.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Nagtalo ang biktima at ang suspek dahil sa gusto nang makipaghiwalay ng dalaga sa binata hanggang sa nauwi sa madugong trahedya.

Kumuha ang suspek ng patalim at pinagsasaksak ang biktima at iniwan nitong walang buhay si Jerodias.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Dalaga, Todas sa Kinalasang BF

  1. Pingback: Dalaga, Todas sa Kinalasang BF - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.