Dalaga, Tiklo sa Abortion

ARESTADO ANG isang 19-anyos na dalaga nang ituro ng dalawang kaibigan na siyang responsable sa pagpapalaglag sa hawak nilang fetus sa Sta. Ana, Maynila, kamakailan.

Ang nasabing dalaga ay si Mara Elizabeth Rivera, residente ng Sta Ana, Maynila.

Lumalabas sa report ni Chief Insp. Dondon Austria, hepe ng MPD-Station 6, dakong alas-11:30 ng gabi nang dakpin ang salarin sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid na sinabi sa mga awtoridad nina Carla Asley Montenegro, 19; at Nicole Maano, 19, na dakong alas-4:30 kamakailan nang ipakita umano sa kanila ni Rivera ang isang fetus na nakalagay sa isang bote ng peanut butter.

Ipinakisuyo umano ni Rivera ang garapon na naglalaman ng fetus na dalhin sa Santa Ana Church, pero nagbago ang isip nito dahil malalaman umano na sa kanya ang fetus kaya naisip na dalhin na lamang sa Pope Pius Church.

Dahil sa pag-aalanganin sa utos ng kaibigan, iniuwi muna ang garapon sa bahay ni Montenegro at nang makonsensiya umano ay sa MPD-Station 6 dumiretso at iniulat ang insidente.

Umamin pa sa mga kinauukulan ang dalawa na alam nilang nabuntis ang kaibigan ng dating kasintahan at ayaw panagutan kaya ininuman umano ng pills upang malaglag ang nasa sinapupunan.

Sa ngayon, ang nasa 2-3 buwang fetus ay nasa pag-iingat ng St. Harol Funeral Homes.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.