Dalaga, Pinulutan ng 2 Kainuman

SWAK SA kulungan ang tricycle driver habang nakatakas ang kasamahan nito matapos pagtulungang gahasain ang isang dalaga na kainuman ng huli ang mga una kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detencion cell ng Caloocan Police at nahaharap sa kasong Rape ang suspek na si Cesar Perez, 32, binata, ng Spina Taas, Malagiya Park Subd. Bgy. 177, Camarin Caloocan City.

Tugis naman ng pulisya ang isa pang suspek na si Jose Robert Santos, ‘aka’ Obet’, 27, may-asawa, ng Doña Ana Brixton ng nasabing lungsod na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek na si Santos sa nabanggit na lugar.

Sa reklamo ni Erica (di-tunay na pangalan), 19, kainuman niya ang mga suspek sa loob ng kanilang bahay at nang malasing ay niyaya siya ng mga huli sa labas para kumain sa tapsilogan.

Paglabas ng bahay, hindi pa man nakalalayo ay tinutukan ng mga suspek ang biktima ng patalim at dinala sa bahay ni Santos saka isinakatuparan ang makamundong pagnanasa.

“Nagpalit-palit po silang (mga suspek) gahasain ako habang nakatutok ang patalim at pagkatapos po nila ay saka lamang nila ako binitawan,” ani pa ni Erica.

Agad namang umuwi ng kanilang bahay ang biktima at humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta ng pagkakadakip ni Perez subalit si Santos ay mabilis na nakatakas.

 (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.