Dalaga, pinilahan ng 6 sa loob ng van

HALOS WALA sa sarili nang dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang dalaga upang ireklamo ang anim na kalalakihan na umano’y gumahasa  sa kanya sa loob ng isang kulay pulang van sa Brgy. Bagong Nayon, Baliuag, Bulacan kahapon ng  madaling-araw.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rizalino Andaya kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang  dalawa sa anim na suspek na sina Jesus Dain Saquing, 30-anyos; at Aguilardo Rabanis Y Ulpindo alyas Dong, 43 anyos; habang pinaghahanap pa sina Mark Joseph Y Eugenio, 30; Richard Ramos, 20; isang alyas Alvin, 22; at isang alyas AJ na nasa hustong gulang. Samantala, ang biktima naman ay itinago sa pangalang Maricel, 19 anyos, residente ng Sta. Rosa Nueva Ecija.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni PO2 Dante Infantado at PO1 Danilo P Gregorio, dakong alas-3 ng madaling-araw ng Mayo 27 nang maganap ang panghahalay sa biktima sa nabanggit na lugar.

Ayon sa dalaga, kasalukuyan siyang nag-aabang ng masasakyan kung saan papauwi na siya sa Nueva Ecija nang bigla na lamang huminto ang isang kulay pulang van sa ilalim ng flyover, kung saan sumigaw ang dalawa sa mga suspek na nakilalang si Alvin at Richard kung kailangan nito ng sex, kung saan dali-daling  tumakbo papalayo ang biktima mula sa mga lalaki.

Subali’t hinabol siya ng mga suspek, at sapilitang isinakay sa loob ng nabanggit na van na ipinarada sa likurang bahagi ng isang saradong tindahan, sa nabanggit na lugar.

Aniya, hindi niya magawang makapanlaban dahil sa isinalya umano siya sa likurang bahagi ng van, kung saan pinilahan siya ng anim na lalaki na umano’y lasing sa alak.

Sinabi rin nito sa mga pulis, na nakatakas lamang siya nang malingat ang mga suspek kaya agad itong tumakbo papalayo sa van, kung saan agad itong sumakay ng isang tricycle at nagpahatid sa himpilan ng pulisya.

Kaugnay nito, patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad laban sa mga gumahasa sa dalaga, habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa dalawang suspek.         (TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.