Dalaga, Pinilahan ng 5 Lalaki

NANANATILING NASA STATE of shock ang isang dalaga makaraang mabiktima ng gang rape sa bayan ng Pototan, Iloilo.

Ayon kay Insp. Charlie Sustento, deputy chief ng Pototan PNP, noong Disyembre 30 pa naganap ang panghahalay ng limang kalalakihan sa hindi pinangalanang biktima.

Lumabas sa medical examination na positibo sa panghahalay ang biktimang itinago sa pangalang Ana.

Dahil tulala si Ana, wala pa itong naisusumiteng affidavit na siyang hinihintay ng Pototan PNP upang maisampa ang kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997 laban sa mga salarin.

Sinabi naman ni Sustento na kilala na ang mga suspek at ihahanda na ang warrant of arrest laban sa mga ito.

(EUNICE  CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Dalaga, Pinilahan ng 5 Lalaki

Leave a Reply

Your email address will not be published.