Dalaga, pinilahan ng 3 lalaki sa resort

HINDI INAKALA NG isang dalaga na ang kanyang pagpapaunlak sa paanyaya ng kanyang mga itinuturing na kaibigan ang maghahatid sa kanya sa kapahamakan matapos itong pilahan ng tatlong kalalakihan kabilang ang lifeguard sa loob ng resort na pag-aari ng kapitan ng barangay sa Valenzuela City, iniulat ng pulisya kahapon.

Ang biktima na agad na nagtungo sa himpilan ng pulisya upang pormal na magharap ng reklamo ay itinago sa pangalang Kris, 20, ng Baluyot 1, Quezon City.

Nakapiit naman ngayon sa detention cell ng Valenzuela City Police ang mga suspek na sina Jay Britos, 28-taong gulang ng F. Bautista St., Brgy. Ugong at Andrew Aurelio, 24, naninirahan naman sa Candido St., Brgy. Mapulang Lupa habang pinaghahanap pa ang nakatakas na lifeguard na nakilala lamang sa alyas na Paulo.

Base sa nakalap na impormasyon sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong 3:00 ng madaling araw sa palikuran ng Good Deal Resort na pag-aari ng Kapitan ng Barangay Ugong na si Godofredo dela Cruz na matatagpuan sa naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, unang inimbitahan ng mga suspek ang biktima na mag-swimming sa naturang resort kung saan nagtatrabahong lifeguard ang suspek na si Paulo.

Dahil sa kakilala naman ng biktima ng mga suspek ay agad itong nagpaunlak at pagsapit ng mga ito sa loob ng resort ay nagkayayaan ang mga itong mag-inuman.

Nang magtungo sa palikuran ang biktima upang magbawas ay lihim itong sinundan ng tatlong suspek at doon ay pinilahan ang dalaga ng mga lasing na lalaki.

Tinangka pang manlaban ng biktima ngunit hindi rin umubra ang kanyang lakas sa mga suspek hanggang tuluyang makapagparaos ang tatlong lalaki ay saka lamang ito pinayagang makauwi.

Agad namang nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima upang pormal na magharap ng reklamo at sa isinagawang follow-up operation ay naaresto ang dalawa sa mga manyakis na lalaki habang pinaghahanap pa ang suspek na si Paulo na umano’y nagtatago na sa kasalukuyan.     (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.