Dalaga, pinagparausan ng lasing na ama

MALOLOS CITY – “HAYOP ka! Mamatay ka na sana!” Ito ang ga-lit na isinigaw ng isang 19-anyos na dalaga laban sa kanyang ama na umano’y gumahasa sa kanya sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. San Pablo sa lungsod na ito.

Sa ulat na tinanggap ni P/SSupt. Fernando Villanueva, PNP Provincial Director, nakilala ang nadakip na suspek na si Gliverio Berganio, 58-anyos, isang karpintero, samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Rhoda, hindi tunay na pangalan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad dakong alas-12:00 ng hating-gabi ng Enero 17 nang maganap ang insidente ng panghahalay sa biktima.

Sa sinumpaang salaysay ng dalaga, dumating ng bahay ang kanyang ama na umano’y lasing sa alak, kung saan agad itong nagpunta sa kanyang kuwarto at galit siyang niyayang matulog sa kanilang silid kasama ang kapatid nitong lalaki.

Subalit dahil na rin sa takot sa kanyang ama, pinagbigyan nito ang kahilingan ng kanyang tatay, kasama ang nakababata nitong kapatid na lalaki. Makalipas ang ilang minuto, bigla na lamang siyang pinaghahawakan sa maseselang bahagi ng kanyang katawan, hanggang sa hubarin ng kanyang ama ang pang-ibaba nitong saplot, kung saan agad siyang kinubabawan ng manyakis na ama. Dahil sa tindi ng takot, wala na siyang nagawa pa kundi ang sumunod na lang, dahil na rin sa banta sa kanyang buhay.

Kaugnay nito, agad siyang nagsumbong sa mga pulis, dahilan upang agad na madakip ang suspek na kasalukuyang nakakulong ngayon sa Malolos City Jail sa kasong Rape in relation to Republic Act 7610. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.