Dalaga, Pinagpapalo ng 3 Kelot

KRITIKAL ANG dalaga matapos itong pagtripang paluin ng tatlong kalalakihan habang ang una ay nakikipag-inuman sa kanyang kaibigang babae kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Inoobserbahan nga-yon sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng pagkabali ng buto at sugat sa kilay ang biktimang si Jenny Sta. Rufina, 24, ng P. Capalad St., Balangkas, Valenzuela City.

Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Joven Parit, ng Dulo Tagalag; Jiezar Corminal, ng Isla; at Emmanuel Parungao, ng Ricon ng nasabing lungsod, pawang mga nasa hustong gulang, na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa Capalad Ext., Balangkas ng nasabing lungsod.

Nakikipag-inuman ang biktima sa isang Jennylyn Marcos, nang biglang dumating ang mga suspek at walang sabi-sabing pinagpapalo ng matigas na bagay ang biktima saka nagsitakas.

Agad namang isinugod sa Valenzuela City General Hospital upang lapatan ng paunang lunas ang biktima sa mga tinamo nitong sugat, at makalipas ang ilang minuto ay inilipat sa JRMMC.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.