Dalaga, patay sa selosong BF NA OFW

PATAY ANG ISANG 30-anyos na dalaga matapos itong saksakin ng kanyang Overseas Filipino Workers (OFW) na boyfriend dahil umano sa matinding selos kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead-on-arrival nang ida-ting sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) sanhi ng dalawang tama ng saksak sa leeg ang biktimang si Debarlyn Joy Panferada, ng Santos St., Libis Espina, Caloocan City .

Tugis naman ng pulisya ang suspek na nakilalang si Ric Michael Alquisola, 28, OFW, tubong-Cebu, ng 211 Delpan, Tondo, Manila na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Bago ang insidente, galing

sina Panferada at Alquisola sa bahay ng suspek at nang pauwi na ang mga ito sa bahay ng biktima ay bigla na lamang nagtalo.

Dito, pinagsisira ng suspek ang cellphone at ilang gadgets ng biktima, hindi pa ito nasiyahan kumuha pa ng kutsilyo at isinaksak sa kasintahan sa leeg na naging dahilan ng agarang pagkamatay ni Panferada.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspek sa di-malamang direksyon.

Nabatid, na matinding selos ang motibo ng suspek sa pagpaslang sa biktima dahil umano sa hinalang may iba itong kinalolokohang lalaki habang siya (suspek) ay nasa ibang bansa.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.