Dalaga, niluray sa inuman

HINDI INAKALA NG isang dalaga na ang ginawa nitong pakikipag-inuman sa mga barkada ang magi-ging dahilan ng pagkasira ng kanyang pagkababae, makaraang gahasain ito ng isang 17-anyos na binatilyo na kanyang kainuman kahapon ng hapon sa Caloocan City.

Personal na tumungo sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) Caloocan Police ang biktimang si Irene (di-tunay na pangalan), 19, estudyante, ng PNR Compound, Caloocan City , upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong RA 8353 o Anti-Rape ang naarestong suspek na itinago sa pangalang Roberto, 17, ng PNR Compound, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang maganap ang insidente sa PNR Compound sa nasabing lungsod habang nag-iinuman ng alak ang biktima at ang suspek kasama ang ilang kaibigan.

Ayon sa biktima, nakailang tagay na siya ng Gin, nang makaramdam ng pagkahilo, dahilan upang mawalan ito ng malay na sinamantala naman ng suspek ang pagkakataon.

Dito, ipinasok siya sa silid sa lugar na kanilang pinag-iinuman at sinimulang halayin hanggang sa nagi-sing na lamang ang biktima na wala nang saplot ang katawan at nakakubabaw na sa kanya ang suspek.

Nang makaraos ang suspek ay tila walang nangyaring umalis ito at iniwan ang biktima. Dito, nagbihis si Irene at nagtungo sa naturang himpilan ng pulisya para papanagutin ang suspek sa ginawa sa kanyang kababuyan.

At nang respondehan ng mga pulis ay agad itong nadakip sa kanilang bahay at dinala ito sa presinto.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Caloocan City.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.