Dalaga, Nilasing ng Kainuman Bago Ginahasa

UMIIYAK NA dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 22-anyos na dalaga upang ipagharap ng reklamo ang kanyang kapit-bahay na umano’y gumahasa sa kanya sa Brgy. Sta Rosa -1, Marilao, Bulacan kamakalawa ng madaling-araw.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Gerry Andaya kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Marlon Pamplona Y Delos Reyes 32, samantalang ang biktima naman ay itinago sa pa-ngalang ‘Princes’, kapwa residente sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong  alas-5 ng madaling-araw nang maganap ang panghahalay sa biktima sa loob ng kani-lang bahay.

Nabatid na masaya si-lang nag-iinuman nang makaramdam ang biktima ng matinding pag-kahilo dahil umano sa ininom na alak.

Ayon sa salaysay ng dala-ga, nagulat na lamang siya nang makita nitong nakapatong sa kanyang katawan ang suspek, kung saan pinilit umano itong lumaban subalit sadya aniyang malakas ang suspek at sapilitang hinubad ang kanyang panty at sinibasib ang dibdib.

Samantala, detenido na ngayon ang suspek sa Marilao Municipal Jail sa kasong Rape. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.