Dalaga, napigilang tumalon sa MRT!

NAPIGILAN ANG TANGKANG pagpapakamatay ng isang ‘di nakilalang dalaga nang tangkain nitong tumalon mula sa itaas ng MRT sa GMA-Kamuning station kahapon.

Nakatawag nang pansin ang nasabing babae na mistulang wala sa sarili, kaya naman agad na naalarma ang guwardiya at maintenance sa nasabing station, at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ng babae.

Ayon pa sa mga saksi, sinasabi umano ng dalaga na may malaki siyang problema. Tumakas lang umano ito sa isang pulis na madalas siyang ginagahasa.

Habang ginagawa ang ulat na ito, sinabi ng guwardiya na ita-turn-over muna sa management ng MRT sa naturang station ang babae para makausap.

(PHOTOS BY LUZ CANDABA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.