Dalaga, Nalaglag sa Motorsiklo, Na-Comatose

NASA COMATOSE na kalagayan sa pagamutan ang isang dalaga nang ito ay mahulog sa sinasakyang motorsiklo habang nakaangkas sa kanyang boyfriend sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng Traffic Division ng Caloocan City Police ang biktima na si Jenalyn Sanchez, 25 anyos, walang asawa, at residente ng Doña Rita St., Barangay 19 ng nabanggit na lungsod.

Nabatid sa isinagawang imbestigasyon ng nasabing departemento ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-3:00 ng madaling-araw kahapon sa kahabaan ng C-3 Road.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakaangkas ang biktima sa motorsiklo ng kanyang ka-sintahan at habang binabagtas ng mga ito ang nasabing lugar ay biglang nahilo ang biktimang si Sanchez, dahilan upang ito ay mahulog sa sinasakyang motorsiklo at mabagok ang ulo sa sementadong kalsada.

Kaagad na dinala ni Junior Calixto, nasa hustong gulang, binata ang kanyang walang malay na girlfriend sa Pres. Diosdado Memorial Medical Center (PDMMMC) kung saan ito ay nasa comatose na kalagayan.

(ROMAN MAGPOC)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.