Dalaga, nakalusot sa 2 rapist

KAPWA REHAS NA bakal ang hinihimas ngayon ng dalawang rapist nang tangkain nilang gahasain ang 21-anyos na dalaga sa isang madamong lugar sa gilid ng kalsada, nang makahingi ng saklolo sa pulisya ang ilang nagdaraang nakarinig sa pagmamakaawa nito kahapon sa San Mateo Rizal.

Kinilala ang mga nadakip na sina Marvin Soriano, 22, ng Paraluman St., Marikina City; at Erick San Gasbar, 30, ng AFP Village, Brgy., Silangan, San Mateo.

Itinago naman sa pangalang Lorna, 21, ang dalaga at residente rin ng nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ng San Mateo PNP, dakong 8:00 ng umaga ng mangyari ang tangkang panghahalay ng 2 manyak sa biktima sa damuhan ng Aster St., Monte Vista Village, San Mateo .

Lumilitaw na naglalakad ang biktima sa lugar nang makasalubong nito sina Soriano at San Gasbar, na tila lango sa alak o droga at basta na lamang ito dinikitan at tinutukan umano ng balisong sa leeg.

Kinaladkad ang biktima sa damuhan at dito puwersa-hang tinanggal ang mga saplot sa kabila ng pagmamakaawa habang nakatutok umano ang balisong.

Dito narinig ng ilang nagdaraan sa lugar ang impit na iyak at pagmamakaawa ng dalaga kaya’t walang inaksayang pagkakataon na humingi ng saklolo sa barangay at awtoridad.

Nasa aktong naka-brief na lamang umano ang mga suspek at tangka nang hahalayin ang biktima na nakahiga sa damuhan nang masakote ito ng pulisya.

Mariin namang itinanggi ng 2 akusado ang reklamo ng dalaga laban sa kanila at sinabi na kusang loob umano itong sumama.

Nakapiit ang 2 naaresto at nakatakdang sampahan ng kasong attempted rape sa San Mateo Municipal Court.

(SAMION TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.