Dalaga, nahipnotismo ng “papa”, nai-motel na, nadenggoy pa ng P1K

 

HINDI PA RIN makapaniwala ang isang dalaga na nadenggoy siya ng magandang mukha ng lalaki dahil bukod sa pagbibigay nito ng pera, pumayag pa siyang madala sa motel sa bayan ng San Fernando, La Union.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nakilala ng biktimang itinago sa pangalang Nelda, 20 anyos at residente ng nasabing lugar.

Sa blotter na nakasaad sa San Fernando City Police, nakilala ni Nelda ang lalaki nang maka-tabi nito sa isang passenger bus sa Dagupan, Pangasinan.

Inamin ni Nelda na nabighani siya sa bango, mapulang labi at matangos na ilong ng lalaki.

Makaraan ang ilang oras na kuwentuhan ay hindi umano mapigil ni Nelda kung bakit sumusunod siya sa nais ng lalaki gaya ng pagyaya sa kanya sa motel.

Sa loob ng kuwarto ay pinaghahalikan siya ng lalaki at sa isip nito ay mali ang ginagawa subalit pakiramdam niya ay nanghihina siya kaya nagpaubaya na lamang.

Makaraan ang ilang sandali ay sinabi ng lalaki na kailangan niya ng P1,000 para pambayad sa kuwarto at saka nagpaalam subalit hindi na siya binalikan nito.

Isang oras ng paghihintay ay biglang nagulantang si Nelda kung bakit naging sunud-sunuran sa lalaki at naniniwalang ginamitan siya ng hipnotismo. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

3 thoughts on “Dalaga, nahipnotismo ng “papa”, nai-motel na, nadenggoy pa ng P1K

  1. KASI NAGTANGA TANGAHAN KA,AT SAKA DINA USO YAN NGAYON MGA HIPOTISMO NAYAN.. SABIHIN MO GUSTO MO RIN ANG LALAKI KAYA KA PUMAYAG GANYAN KA SIMPLY TEHHHHHHH.

Leave a Reply

Your email address will not be published.