Dalaga, Nagahasa sa Hipnotismo ng Faith Healer

INIREKLAMO NG isang 20-anyos na dalaga ng pangagahasa ang isang faith healer matapos siyang gamitan ng hipnotismo sa Lopez, Quezon.

Ayon sa salaysay ng biktima sa mga awtoridad, dati pa silang nagpapagamot sa suspek na si Anthony Jimenez alyas “Brother Tony” dahil sa sakit ng ina. Tinext umano siya ni “Brother Tony” upang magdala ng itim na kandila sa simbahan ng Vicente na gagamitin sa panggagamot ng kanyang ina.

Dito sa simbahan umano siya ginamitan ng hipnotismo ng suspek pagkatapos ipatirik ang kandila. Agad daw siyang dinala ng suspek sa isang motel at doon ginahasa.

Patuloy na inimbestigahan ng pulisya ang kaso at hinahanap na ang suspek.

(PARAZZI REPEORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.