Dalaga na ‘di pinayagang mag-abroad, nagpakamatay

SARANGANI – PATULOY PANG inaalam ng mga kinauukulan ng Alabel, Sarangani province kung may foul play o wala sa pagpapakamatay ng isang dalaga.

Nakilala ang biktima na si Margie Alcosero, isang factory worker na residente ng Alabel, ayon kay PO1 Roxwell Tan, imbestigador ng PNP Alabel.

Natagpuan si Alcosero nang mismong lola nito na nakabitin sa kuwarto na wala nang buhay.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, nabatid na posibleng ang naranasang depresyon at sa hindi pagpayag sa biktima na makapagtrabaho sa abroad ang dahilan.

Sinabi pa ni Tan na bago nangyari ang pagpapatiwakal ng biktima, mayroon na umanong naobserbahan ang pamilya na parang ibang ginagawa nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.