Dalaga, Kulong sa Pananalisi sa Loob ng Ospital

BISTADO NA ang modus operandi na dalaga na nagpapanggap na pasyente matapos maaktuhan na kinuha ang bag ng secretary sa loob ng ospital sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Mila Delos Santos, 42, ng Llana St., Tondo, Manila.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi, ipinatong ni Angela Marie Velasco ang dalang bag na naglalaman ng P2,500 sa lamesa sa loob ng President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sa A. Mabini ng lungsod na nilapitan ng suspek na nagpapanggap na pasyente.

Nang malingat si Velasco ay agad na kinuha ng suspek ang bag at lumayo subalit may nakasaksi na naging dahilan upang sabihin sa biktima.

Agad na humingi ng tulong sa mga guwardiya si Velasco na naging dahilan upang madakip at mabawi ang bag ng una.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.