Dalaga, Kulong sa Bato

SHOOT SA kulungan ang isang 33-anyos na dalaga nang lusubin ng mga awtoridad ang loob ng bahay nito at makuhanan ng Shabu at mga drug paraphernalia kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nahaharap sa kasong Violation of R. A. 9165 si Nenita Mendoza, ng Birch Tree St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon mula sa Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ng Caloocan City Police, nakatanggap sila ng tawag na may itinatagong Shabu ang suspek sa loob ng kanyang bahay.

Nang puntahan ng mga pulis dakong alas-11:40 ng umaga ay nakuha sa loob ng bahay ng suspek ang isang sachet ng Shabu at mga drug paraphernalia na naging dahilan upang bitbitin si Mendoza pa-presinto.

Inaalam na ng mga pulis kung saan kumukuha si Mendoza ng naturang droga. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.