Dalaga, Ginahasa sa Harap ng Kaibigan at Pinsan

HUSTISYA ANG nais ng isang 18-anyos na dalaga sa Calauag, Quezon Province matapos siyang gahasain sa harap umano ng kanyang pinsan at kaibigan.

Ayon sa salaysay ng hindi na pinangalanang biktima, sinabi nitong nangyari ang insidente kamakailan  nang makitulog siya sa bahay ng salarin na si Henry Baylon, 45, na malapit sa kanilang pamilya.

Ginising na lamang umano siya ng kanyang pamangkin na isang taong gulang at dito nakita niyang wala na siyang saplot sa ibabang bahagi ng katawan.

Nang magtanong siya sa kanyang pinsan at kaibigan, dito niya napag-alamang pinagsamantalahan siya at hindi nakaimik ang mga testigo dahil tinutukan ng balisong ng salarin.

Wala umano siyang kamalay-malay sa nangyari at hindi niya malaman kung bakit hindi siya nagising habang ginagawa ang pagpaparaos ng suspek.

Agad namang nagsumbong ang biktima sa PNP Calauag at isinailalim na sa medical examination.

Samantala, sinampahan na ng kasong Rape ang naturang suspek na nananatili sa kulungan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.