Dalaga, Ginahasa ng Textmate sa Bora

LABIS ANG pagkadismaya ng isang 18-anyos na dalaga matapos na pagsamantalahan ng kanyang pinagkatiwalaang textmate sa loob ng kanyang boarding house sa Brgy. Balabag sa Boracay.

Ang biktima na itinago sa pangalang alyas Pamela ay residente ng lalawigan ng Romblon at nagtatrabaho bilang therapist sa isang spa sa nasabing lugar.

Habang ang salarin na naaresto sa follow-up operation ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ay nakilalang si Raffy Malagad, 23, residente ng Brgy. Tagas, Tangalan, Aklan at nagtatrabaho bilang attendant sa isang resort sa Station 1.

Lumalabas sa pagsisiyasat, habang natutulog ang biktima ay pinasok ito ng salarin sa kanyang silid.

Base sa salaysay pa ng biktima, naging mag-textmate sila ng suspek may ilang buwan na ang lumipas.

Tiwala umano ang dalaga na payagang maglabas-pasok ang salarin sa kanyang boarding house, ngunit hindi niya inaasahang pagsasamantalahan siya nito.

Samantala, kasong Rape ang kinakaharap ng suspek na kasalukuyan nang nakakulong sa Aklan Rehabilitation Center.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.