Dalaga, ginahasa at pinatay sa Legazpi City

MALIBAN SA KASONG murder, pinag-iisipan pa rin ngayon ng mga kinauukulan kung kakasuhan din ng rape ang tinuturong suspek sa pagpatay sa 28-anyos na dalaga sa lungsod ng Legazpi.

Sa inisyal na pagsisiyasat, lumalabas na bago pa man nangyari ang pagpatay sa biktimang si Ma. Sarah Aragon, nakasama muna nito ang kanyang bagong kasintahan na ka-brod din sa isang fraternity, at inaming may nangyari sa kanila bago ito inihatid sa kanilang tahanan.

Wala nang buhay at halos hubad na nang matagpuan ang biktima ilang hakbang lamang malapit sa inuupahan nitong boarding house malapit sa Central City Subivision, Legazpi.

Sa ngayon, hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng ginawang awtopsiya sa bangkay ni Aragon habang nananatiling nasa kustodiya ng mga pulis ang tinuturong suspek na si Vincent Natividad, 24, ang 10 taong naging karelasyon ng biktima na kusa ring sumuko ilang oras matapos matagpuan ang bangkay.

Samantala, hindi pa rin magawang aminin ng pamilya ni Aragon sa kanyang ama na matagal nang nasa Saudi ang totoong nangyari sa kanilang panganay na umano’y pinagsamantalahan bago pinatay.

Ayon sa pamilya ng biktima, kung anu-anong dahilan na ang kanilang binabanggit sa kanilang ama para lamang umuwi ito sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Plano ng pamilya na pagdating na lamang nito sa bansa sasabihin ang totoong nangyari kay Sarah na nakatakda sanang sumunod sa kanyang ama para roon magtrabaho. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.