Dalaga, Durog ang mga Paa sa Humaharurot na Bus

PINANGANGAMBA-HANG MAPUTULAN NG mga paa ang isang dalaga nang madurog ang mga buto nito matapos masagasaan ng humaharurot na bus, habang ang biktima ay papatawid sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Unang dinala sa Valenzuela Medical Center bago inilipat sa Orthopedic Hospital sa Banaue, Quezon City si Lorena Baclayon, 27, dahil sa labis na pinsala ng kanyang mga paa.

Hindi naman nakuha ng mga tauhan ng Traffic Management Office (TMO) ang pangalan ng bus at driver, bagkus nakuha naman nila ang plate number ng nasabing sasakyan na PSY-834, na sinabi sa kanila ng mga nakasaksi sa insidente.

Sa report ni SPO2 Albert Verrano ng Valenzuela City Traffic Enforcement Unit, bandang alas-6:20 nang maganap ang insidente sa Mac Arthur Highway, Barangay Malinta ng nasabing lungsod.

Napag-alamang papatawid si Baclayon nang biglang mahagip ng bus patungong Monumento ang mga paa nito.

“Hindi siguro alam ng driver ng bus na nakasagasa siya at tuluy-tuloy lang ito, ibe-verify namin sa LTO kung sino ang may-ari ng bus,” ani SPO2 Verrano.

Kaagad na dinaluhan ng mga kawani ng TMO si Baclayon at mabilis na dinala sa pagamutan.

Kakasuhan ng Reckless Imprudence Resulting to Serious Physical Injuries ang driver ng bus sa oras na malaman ang pangalan nito.      (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.