Dalaga, Dinaliri at Dinilaan sa Ari, Bago Pinagnakawan

PATUNG-PATONG NA kaso ang kakaharapin ng binata matapos pasukin, daliriin at dilaan bago pagnakawan ang dalaga sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Nahaharap sa kasong rape, robbery, illegal possession of deadly weapon at paglabag sa Omnibus Election Code si Reggie Adorador, 18, ng Block 6, Bagumbong ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-3 ng madaling-araw, nagising ang biktimang edad 20 sa pagtulog sa loob ng kanilang bahay sa Coopville, Bagumbong dahil tinapalan ng suspek ang bibig ng dalaga habang nakatutok ang patalim.

Dahil sa patalim, hindi na nakapalag ang dalaga hanggang ipasok ng suspek ang daliri at dila sa kanyang ari.

Nang makutento ay tumakas ang suspek dala ang wallet na may laman na P150 at cellphone ng biktima.

Nagsumbong sa mga pulis ang biktima at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang suspek at nakuha ang wallet at cellphone ng biktima bago sinampahan ng mga nasabing kaso.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.