3 Holdaper ng mga Bagets, Dakip

Nakilala ang mga suspek na sina Benigno Pili, 26; Jerry Vital, 39; at Honorio Dela Cruz, 42, pawang ng Llano Rd., Llano ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-6 ng gabi, nagmimeryenda ang tatlong edad 16 sa Ninong Macario St., BF Homes, Llano, nang lapitan at holdapin ng mga suspek gamit ang baril at patalim.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone ng mga biktima bago nagsitakas.

Nag-report naman sa mga pulis ang mga biktima na naging dahilan upang magsagawa ng follow-up operation sa nasabing lugar.

Unang nadakip si Pili at ininguso kung saan makikita ang mga kasama na naging dahilan upang madakip din at mabawi ang mga nakulimbat.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.