Daisy Siete, tuloy na sa pagkatigbak!

HINDI NAIWASAN NG presidente ng Focus E. Inc. na si Joy Cancio na mataranta nang sabihan siya ng management ng GMA-7 na huli ng season ng kanyang Daisy Siete ang ipinalalabas ngayong Adam or Eve.

Madali ngang nataranta si Joy kaya sa maraming bagay eh, nag-cost-cutting siya. Gaya ng pagte-terminate sa ilang mga publicists niya (kabilang na kami, although wala naman akong matandaang kontratang pinirmahan namin nang kunin niya kami). Pero kelan lang, isang ‘love letter’ nga ang ipinadala nito sa amin, saying na kailangan niyang mag-cost-cutting.

Pero naimbita pa naman kami ni Joy sa presscon para sa bagong show ng SexBomb niya sa GMA-7. Ito ang Danz Showdown na isang reality show rin daw.

Walang puknat ang pasasalamat ni Joy sa GMA-7 dahil akala nga raw niya eh, katapusan na ng career nila sa TV. ‘Yun pala naman daw eh, may ibang show na ibibigay sa kanila ang Kapusong istasyon.

Panay rin ang pasasalamat ni Joy sa mga kaibigang sumuporta sa kanya sa panahon ngang nang malaman niyang mawawala na ang Daisy Siete eh, panay na ang paki niya sa mga kakilalang press para sa mga press releases niya sa kanyang mga alaga.

ANG HABA-HABA NAMAN nga raw ng buhok ni Shaina Magdayao!

Si John Lloyd Cruz kasi ang umamin na sila na talaga.

At isang bagay rin ang nilinaw ni John Lloyd tungkol sa tingin sa kanya ng tao na napaka-womanizer niya.

Kung meron man daw mga pangalan ng mga babaeng naiuugnay sa kanya, nangyayari naman daw ‘yun nang hindi sabay-sabay na nasa tabi niya ang lahat ng babaeng ‘yon.

Mukha ngang at peace na si Lloydie sa kasalukuyan niyang relasyon. At pati nga ang bagong bahay niya na natapos na eh, ibinabahagi na niya sa isang babasahin.

Sa tono ng salita ni Lloydie of giving back to his fans ‘yung naging tulong nila para malagay sa kung nasaan man siya ngayon, parang nahihinuha ng lahat na papasok na daw ‘ata si Lloydie sa mas seryoso pang antas ng buhay niya, gaya ng pag-aasawa o pag-lagay sa tahimik, ah?

Pero-kelangan muna niyang mag-taping sa Imortal na pagsasamahan nila ni Angel Locsin with Jomari Yllana sa ABS-CBN.

Inaabangan ngayon ng balana si Shaina, na baka meron din daw kasi na biglang i-announce, ngayong nauna nang umamin si Lloydie. Alam n’yo na…

SABAY NA NAG-CONTRACT signing sa ABS-CBN ang mag-amang Gary at Gabriel Valenciano. Pero kaagad nilinaw ng dalawa na hindi sila package deal sa kanilang mga gagawing programa sa nasabing istasyon.

Bale renewal na ang kay Gary at unang kontrata naman ni Gabriel for ASAP XV at Banana Split ang kanyang nilagdaan.

Ano na ang nangyari sa plano ni Gab na sa Amerika na magpatuloy ng pag-aaral? Press release lang ba ito?

“I want to establish muna myself here. And take chance in the doors that are opening now, with the opportunities na dumarating. But definitely, I will continue with my plans of studying abroad. Just not right here, right now.”

Inuunti-unti nga lang daw ito ni Gab. In fact, matagal-tagal na pala siyang namumuhay nang solo at umalis na sa poder ng kanyang mga magulang.

The Pillar
by Pilar Mateo

Related Post

loading...

4 thoughts on “Daisy Siete, tuloy na sa pagkatigbak!

  1. areymunding munding sinong magkaka gustong panoorin ng mga ugly phay na girls sa pictures kaya na cancelled.at bakit bakeeetttttttttttttttttt yan title ng kolumn mo..mga alang karapatan

  2. Wala na TSUGI NA NAMAN ANG GME! HAHAHHAA

    DIZ IZ IT FLOP! CANCELLED!
    DAISY SYETE FLOP! CANCELLED!

    HAHAHHA

  3. Press release lang yun kay gab na sa ibang bansa mag-aaral, kasi ang totoo ayaw naman talaga ng pamilya ni gab si rachel ann go. hehehehe…

    Kita nyo ngayong break na yung 2, di na natuloy pagpunta nya sa amerika.

Leave a Reply

Your email address will not be published.