Daisy Siete, kailan ba matatapos?!

KAMAKAILAN LAMANG, NAIBALITA rito sa Pinoy Parazzi na may bagong season na naman ang Daisy Siete. Ang lider ng SexBomb na si Rochelle Pangilinan muli ang magbibida sa Chacha Muchacha. Sino ang mag-aakalang aabot hanggang season 23 ang isang palabas na ang pangunahing mga artista ay unang kinilala bilang mga mananayaw lamang?

Nag-umpisa ang grupong SexBomb sa Laban o Bawi segment ng Eat… Bulaga! Dahil na rin sa angking kagandahan, talento at kaseksihan, dumami ang kanilang mga tagahanga. Nagkaroon pa nga sila ng ilang album at ilan sa pinakapumatok dito ay Crush Kita, Stupid Ka Rin, Spaghetti Song, Halukay Ube at Bakit Papa, na ginawa pang pelikula!

Naalala namin ‘yung unang linggo ng Daisy Siete. Nasa high school pa kami noon. Ito sana ang programang ipantatapat ng Siyete sa Meteor Garden ng ABS-CBN, pero napagdesisyunan nilang ilagay na lang ito sa mas maagang oras. Marami ang nagsabing hindi magtatagumpay ang palabas, pero marami na itong napatumbang kalaban sa hapon!

Bakit nga ba patok na patok ang Daisy Siete? Palagay namin, karamihan ng mga manonood nila ay mga batang iniidolo sila. Mahilig kasi sila sa mga konseptong kagigiliwan ng mga bata tulad ng Tabachingching, kung saan pinataba nila si SexBomb Jopay. Nariyan din ang Ulingling, kung saan pinaitim sina Rochelle, Mia at Sunshine. Meron ding Tarzariray, ang amazonang kikay na ginampanan ni Rochelle. Huwag din nating kalimutan ang Vaklushi, Tinderella at ang kakatapos lang na Kambalilong. Hindi n’yo ba napansin na halos mala-fairy tale ang mga storyline nila?

Alam naming hati ang opinyon ng masa tungkol sa Daisy Siete, pero ito lang ang natitiyak namin: Hindi ikakasal si Rochelle Pangilinan hangga’t hindi ito natatapos!

Para sa mga katanungan at komento, mag-email lamang sa pinoyfansclub@gmail.com. Bisitahin din kami sa http://www.pinoyfansclub.com.

loading...

7 thoughts on “Daisy Siete, kailan ba matatapos?!

  1. may nanonood pa ba nito?
    mag retiro na kaya sila
    laos na ang grupo nila!

  2. sumayaw at kumanta na lang cla. wag na magsalita, non-sense cla lahat pag iniinterbyu. palpak din sa akting. tagal na nila sa showbiz wala pa ring class kahit konti.

  3. Successful tawag mo dyan?

    nananaginip ka yata hahhahaha

    Wag ka nang gumusing, baka ma-iyak ka pa pag nalaman mo ang katotohanan hahaha

    /
    \
    /
    \
    V

  4. atleast may successful na show ang isang all female dance group. hindi ako fan ng sexbomb, pero hindi ko naman sila hate. natutuwa ako dahil nakakatulong sa pamilya ng mga members nito ang napakatagal na nilang palabas.

    EB Babes still has a long way to go compared to them.

    Credits also go to Joy Cancio.

Leave a Reply

Your email address will not be published.