Dainaig pa raw ang bading
Katherine Luna, adik sa guwapo?!

PSSST: POLITIKA, Showbiz, Scandal, Swarding, Tsika! Amalayer… amalayer! Ito ang naging bukambibig nitong mga nakaraang araw. Isang estudyanteng pasahero ng LRT na nakasagutan ang isang babaeng guwardya na nag-trending talaga sa Twitter, Facebook at Youtube. At sa bandang huli, napag-alaman na-ting ang gumawa ng kaguluhang ‘yan na Amalayer ay gusto lang pumasok sa showbiz at gustong maging artista. Kaloka! Iba’t ibang paraan makilala ka lamang.

Isa pang insidenteng kahalintulad din nitong Amalayer itong bugbugan blues sangkot si Baron Geisler sa isang insidente naman na isang kapit-bahay na binugbog daw ni Baron sa may tindahan. Sa bandang huli, si Baron naman ang bugbog-sarado na napagkatuwaan sa selda nang ikinulong siya nang 14 hours. Ang ending, gusto rin daw pumasok sa showbiz ng binugbog ni Baron.

At ang hindi ko mawari, itong si Katherine Luna na binuntis ni Coco Martin na hanggang sa ngayon, mapera at mayaman na si Coco ay wala pa ring natatanggap na sustento si Katherine para sa kanyang anak. Kaya ‘eto, bidang-bida raw si Katherine sa isang peryahan.

Masaklap mang tanggapin, itong si Katherine, malamang ay napariwara. Ngunit hindi na yata kakayanin ng sumikat na sexy star sa Babae sa Breakwater ang pagsasaayos sa kanyang buhay-artista. Dahil ayon sa bali-ba-lita, tuluyan nang nalugmok sa dugyot na pamumuhay mula nang maanakan ito ng sikat na sikat nga-yong si Coco.

Nitong huli ay namataan siya sa isang peryahan sa Dasmariñas, Cavite na may kasamang lalaki. Out of the blue, bigla na lamang dinaklot ng isang ‘di kagandahang babae at binugbog, sinabunutan, pinagsasampal at nginudngod pa. Mistulang shooting dahil nagkagulo ang mga tao sa peryahan nang mamukhaan nila na si Katherine iyon!

Pinagmumura siya ng babae dahil boyfriend pala nito ang kalukadidang ng nalaos nang artista. Dinala ito sa barangay hall at doon ay bibigyan siya ng restraining order at pinagbawalan na siyang lumapit pa sa lalaki.

According to sources in the area, diumano ay adik sa wafu itong si Katherine at lahat ay gagawin nito mapasakanya lang ang sinumang matipuhan. Kaloka talaga tong babaeng na lugmok sa breakwater, talo pa ang beki. ‘Yun na!

 

SPEAKING OF bugbugan, binugbog na naman ng batikos itong si Willie Revillame, na nagkataon ba o sinasadya, na halos lahat ng babaeng naging ex ni Pinoy, ay nagiging co-host ng Wil Time Bigtime.

Last, last saturday kasi, winelcome itong si Grace Lee na kapatid na ngayon sa show ni Willie. Kung natatandaan ninyo, unang naging co-host ni Willie itong si Shalani Soledad na biglang nagpakasal kay Cong. Romulo. Sabi ni Shalani, one… two… three… go!

Sino naman kaya ang makabibihag kay Grace Lee? Nawalan na ng class ang Koreanang host as in baduy, sabi nga ni Kris kay James Yap. ‘Di ba naman!

 

PITIK-BULAG: Sino itong maha-derang ina na muntik na raw umuwi nang luhaan itong writer ng isang glossy magasine?

Kasi ba naman, good for four person lang ang budget niya sa interview ng kanyang unica hija, dahil cover yata ng kanilang magazine. Ayun, ang mahaderang ina karay-karay lahat ang anak, kasambahay as in long table, kaya pagdating ng bill, nganga ang kawawang writer. Muntik nang maglakad pauwi.

Kasi ba naman, isang katerba ang kasama ng maderaka sa restaurant, kung saan doon gustong magpa-interview. At nagpabalot  ang maha-derang ina… as in rapper!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

2 thoughts on “ Dainaig pa raw ang bading
Katherine Luna, adik sa guwapo?!

  1. Aww I Love Coco.. There must be a reason why he’s not supporting his daughter to that biyotch! Coco is a good person that’s why he’s have a lot of blessings.

    • Sa baranggay hall ka din magpaliwanag ateng! Jusko, isang anak na nga lang di pa masuportahan ng IRESPONSABLENG idolet mo. Si Jay Manalo nga sangkaterba ang chikiting, lahat sustentado. Makarma ka sana Coco.

Leave a Reply

Your email address will not be published.