Daiana Menezes, pakakasal na sa isang congressman!

NAKAKA-TOUCH NAMAN ang mainit na pagtanggap sa mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao nang dumating sila nu’ng kamakalawa ng umaga.

Nagkaroon ng espesyal na programa ang GMA 7 na ginanap sa SM-MOA at bale ‘yun na raw ang farewell episode ng Manny, Many Prizes.

Ang kasunod lang na tanong dito, tuloy pa rin ba ang laban niya sa susunod na taon? Magkakaroon ba uli ng rematch sila ni Juan Manuel Marquez?

Kasi talagang isinusumpa ni Mommy Dionisia na ayaw na niyang payagan ang anak niya na lumaban pa. Gusto niyang tumigil na sa paglaban at asikasuhin na lang ang pamilya niya at ang responsibilidad niya sa Saranggani.

Ganu’n din daw ang gusto ni Jinkee, pero ewan ko lang kung masusunod ‘yun dahil may kontrata pa nga siya sa Top Rank.

Nakatutuwa si Manny dahil talagang natanggap niya ang pagkatalo niya kay Marquez. Kahit nga may mga nagtatanong sa kanya na parang nagpatalo lang daw ito, diretsahan niya talagang sinasabing, talo talaga siya.

Nakatutuwa rin nang dumalo si Manny sa botohan ng RH bill sa Kongreso. Mainit itong tinanggap ng mga kapwa kongresista. Pinalakpakan siya at talagang standing ovation sa kanya ang lahat.

Pagkatapos nitong lahat ay uuwi muna ng Gen. Santos City si Manny para magkaroon naman sila ng panahon sa pamilya at sa mga constituents daw niya sa Saranggani.

Wala pa kaming balita kung ano ang programa niya sa GMA 7, pero ang dinig ko, bibigyan daw ito ng isang talk show.

Naku mas bongga siguro kung kasama si Mommy Dionisia sa talk show na ‘yun dahil riot talaga kapag siya na ang nagsalita.

 

TOTOHANAN NA kaya itong balak na pagpapakasal ni Daiana Menezes sa isang congressman?

Si Cong. Benjo Benaldo pala ito ng Cagayan de Oro na kasama niyang dumating sa premiere night ng pelikula niyang My Amiga Girl nu’ng nakaraang Martes at masayang-masaya naman silang tingnan.

Doon na nga nila ikinuwento kung paano nag-propose si Cong. Benaldo sa kanya na ginawa pa raw sa Paris. Kaya kilig na kilig naman ang Brazilian model/actress.

Pumunta kasi silang dalawa sa Brazil para makilala ni Cong. Benjo ang pamilya ni Daiana at nagulat daw siya na napakalaki pala nilang pamilya.

Meron nga raw na bayan doon na pawang kamag-anak niya lahat kaya ang pangalan ng bayan na ‘yun ay Menezes. Kumbaga lugar na talaga nila ‘yun.

Kaya kung matutuloy daw ang kasal nila sa susunod na taon, gusto ni Daiana na isang simpleng wedding lang sa Cagayan de Oro at meron silang isang seremonya rin na gagawin sa Brazil.

Ang wish lang naman ni Daiana na maging Pinay, na makuha niya ang dual citizenship. Pero hindi naman daw ibig sabihin na kaya siya nagpakasal dahil lang sa citizenship na ‘yun.

Nawala raw ang trauma niya sa mga Pinoy na nakarelasyon nang naging sila ni Cong. Benjoy Benaldo.

Naku, sana nga totoo na ito, ha! May mga naririnig pa akong tsismis tungkol sa relasyon na ‘yan, pero parang ayaw ko namang maniwala. Nakikita namang masaya silang dalawa. Hayaan na lang natin, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Daiana Menezes, pakakasal na sa isang congressman!

  1. malandi yang pokpok na babae lahat nang lalaki tinitikman niya at mahilig kumuha nang di katangkaran insecure siya kay juday alam niya kasing kasal silang dalawa ni ryan walang sumeseryoso na lalaki sa kanya kahit na sino pa-booking itong ahas naii-kama nang kahit na sinong lalaki bayaran siya.

  2. Pingback: Daiana Menezes, pakakasal na sa isang congressman! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.