Daiana Menezes, isang taong inaway ng mga fans ni Juday!

ALMOST A YEAR din palang “kinunsumi” at “binuwisit” si Daiana Menezes ng mga fans ni Judy Ann Santos dahil kay Ryan Agoncillo. Magkasama sina Daiana at Ryan sa “Eat Bulaga” at sa tuwing nagkakadikit ang dalawa o nagkakasama sa isang segment, umaalma ang mga fans ni Juday.

“Ay, grabe! Sobra ang mga words na sinasabi nila sa akin sa text, sa Twitter at sa Facebook! Galit na galit sila sa akin! They we’re saying na malandi raw ako… ‘wag daw akong tumabi kay Ryan as in parang nagpi-flirt daw ako kay Ryan. Mga ganun ba… madami pa!” simulang tsika sa amin ni Daiana sa Daiana Stalder Dermaline Clinic, kung saan nagkaroon siya ng thanksgiving party at fan’s day na rin.

Naikuwento ni Daiana iyon dahil natanong siya tungkol sa isang blind item na siya ang tinutukoy pati si Ryan. Sabi, nakita raw ang dalawa sa isang mall at sweet na sweet. Pinapalabas na “babae” ni Ryan si Daiana at may relasyon nga sila dahil nga sa sweet-sweetan sila sa EB.

“Grabe, ‘di ba? How can that be? Sa isang mall and I’m with the husband of a popular actress in showbiz… nakakatawa, ‘di ba? Imagine ang mangyayari sa akin kung totoo iyon? ‘Yun nga lang madikit ako kay Ryan, galit na ang mga fans, ito pa? Nakakaloka, ‘di ba?” sey pa ng Brazilian actress.

Eniwey, natigil lang ang mga tsismis sa kanila ni Ryan nang maging boyfriend niya si Direk GB Sampedro. “Yeah, du’n lang sila natigil. Kasi nga, ‘eto na, mayroon nang ibang nali-link sa akin kaya stop na sila. Buti naman. Ngayon tahimik na. Wala nang nagagalit na fans. Okey na. I’m sure na happy na rin sila at may bf na ako,” tsika pa rin ng aktres.

Mukhang going smooth ang relasyon nila ni Direk GB, how true na magpapakasal na sila dahil may engagement ring na raw na ibinigay sa kanya ang bf?

“No, it’s not an engagement ring… actually, gift lang niya sa akin ‘yun. Alam ko gusto na niya pero what about me? I’m still young (24) and I don’t see myself getting married at this point in time. Maghintay siya. Hahaha!

“Actually, we have plans to go to Brazil in December para ma-meet rin niya ang family ko but it’s not pamamanhikan, huh! It’s like he wants to meet my family and to see my country also. ‘Pag natuloy ‘yun, bongga ang Christmas namin, ‘di ba? We’re together, eh!” kilig pang tsika ni Daiana.

Kitang-kitang masaya si Daiana kay direk GB. Hindi pa man, wish ba niyang ito na ang makatuluyan niya?

“Oh, of course! He’s such a nice guy. Very gentleman, marespeto at mahal ako. Of course, sana siya na!”

 

APPROVED WITHOUT CUTS ng MTRCB ang indie movie na Kubli na pinurudyus namin sa kauna-una-hang pagkakataon. Mula ito sa ilalim ng Golden Pot Film Productions.

Kuwento ito ng isang matinding pag-ibig ng isang lalaki sa kanyang kababata at kaibigang lalaki. Itinago niya ito, iginapos subali’t dumating din ang araw na nagkaroon siya ng pagkakataon na masabi ang nag-uumalpas na damdaming iyon sa lalaking buong puso niyang minamahal.

Ipinagmamalaki naming ihandog ang pelikula sa lahat ng mga taong nagmamahal, minamahal at may “ikinukubling pagmamahal”. Mea-ning, the movie is to all genders at tiyak kami, magugustuhan nila ang movie.

Tampok sa pelikula sina Johnron Tañada, Eugene Tejada, Dustin Jose, Jeremy Ian at Jenaira Chu mula sa direksyon ni Paul Singh Cudail. Palabas na po ito sa mga piling sinehan sa Miyerkules, October 5.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

loading...

2 thoughts on “Daiana Menezes, isang taong inaway ng mga fans ni Juday!

  1. di dapat magselos si juday kasi naman eh mas maganda siya kay daiana ‘noh! maputi lang ang babaeng yan at kapag umitim yan eh pangit

  2. Mga wlang kwenta slang lahat si monay din at ang aswa nya na ka mukha ni harry potter pati ank din kamkha ni hmmmm. Hahahahahaha. Fans ni bakulay monay judyot. Mga demonyo kasi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.