Daiana Menezes, dinadahas ng BF na congressman?!

NAG-BACK OUT na raw pala si Paulo Avelino sa susunod na teleserye na dapat sana ay gagawin niya sa ABS-CBN kung saan makakasama niya sana sina Andi Eigenmann at Angel Locsin.

Walang malinaw na dahilan kung bakit nagdesisyon si Paulo na huwag nang gawin ang project.

Pero gaano katotoo ang lumalabas na issue na ang kanyang beloved partner daw na si LJ Reyes at ang kanilang anak ang diumano’y tunay na dahilan ng kanyang pag-atras sa teleserye?

Napag-alaman namin na nagpahatid na raw ng paumanhin ang aktor kay Angel thru their common friend na naunawaan naman daw ng aktres.

Ngayon, tama kaya ang aming narinig na baka si Jericho Rosales na raw ang ipalit sa papel ni Paulo?

 

NABALITAAN NAMIN na lalong madaragdagan ang hatid na saya ng longest-running noontime show na Eat Bulaga, dahil may isang sikat na aktres daw ang magiging bagong miyembro ng Dabarkads!

Ang sikat na aktres na tinutukoy namin na magdadagdag ng kasiyahan sa mga manonood ng Eat Bulaga ay ang primetime queen ng GMA-7 na si Marian Rivera!

Hindi lang namin alam kung kailan magsisimulang mapanood ang girlfriend ni Dingdong Dantes sa EB.

Narinig din namin na maging si Christian Bautista na isa nang Kapuso Star ay maging parte rin daw ng nasabing show.

HOW TRUE na sinasaktan diumano ng kanyang boyfriend na si Cong. Benjo Benaldo ng Cagayan de Oro City si Daiana Menezes?

Nag-post kasi nu’ng Lunes ang Brazilian model-turned-TV host and actress sa kanyang Instagram ng larawan ng kanyang braso na may galos at sugat at mga salitang ‘no to rape’ at ‘no to violence against women’.

Pero nu’ng nakaraang Biyernes lang ng umaga ay napakasaya pa ni Daiana nang dinalaw namin ito sa kanyang shoot para sa online advertisement ng Belo Medical Group para sa kanilang breast augmentation service, kasama sina Alyssa Alano, Ellen Adarna at Phoemela Barranda.

Sinabi pa ni Daiana na hindi nga raw sang-ayon sa kanyang pagpapadagdag ng hinaharap ang boyfriend niya pero wala itong nagawa sa kanyang desisyon.

Nakadagdag daw kasi ng confidence niya ang pagkakaroon ngayon ng malaking dibdib para sa kanyang trabaho, lalo pa’t mukhang natural ang mga ito.

Nu’ng araw na iyon ay suot-suot pa nga ng dalaga ang four-carat diamond engagement ring mula kay Cong. Benaldo. Na nung una ay ayaw pa niyang ipakita sa amin at sabihin kung ilang carat iyon.

Hindi naman masabi sa amin ni Daiana kung kailan na nga ba talaga sila nakatakdang ikasal.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

7 thoughts on “Daiana Menezes, dinadahas ng BF na congressman?!

  1. Wag kang Lolokoloko Tongressman Benaldo..Wag na wag mong bibitawan yan si Daiana.. maraming maniacong Senator at Congressman ang nag aabang dyan

  2. She seems to be a very nice person, I hope she wakes up in time before she suffers the fate that the late Ms. Theresa Carlson did. May God dont forsake her,

    • OO NGA NOH. PARALLEL SILA. POLITICIAN DIN YUNG EX-HUSBAND NI “SI IKAW, SI AKO.” NAKOH, WAG LANG TATALON NG CONDO ITONG SI DIANA.

  3. NAKOH, PARANG KELAN LANG EH LUMANTAD SA PUBLIKO ITONG SI DIANA AT CONGRESSMAN SA S.O.N.A. NI PNOY. YUN PALA, KAPALIT NG LUHO EH VIOLENCE! KALOWKAH!

  4. Wow Dianna Meneses’ Boyfriend is obviously gay. This is the first I hear that a guy wouldn’t want his girlfriend to have bigger breast. Hmmm…  I guess the reason he likes a girl with smaller breast coz he could easily imagine it’s a guy that he is having sex with.   

Leave a Reply

Your email address will not be published.