Daiana Menezes at Shivaker, kapansin-pansin ang sweetness sa Boracay!

Kumusta naman ang bakasyon n’yo mga bakla?

Gaya nang sinabi ko, sa bahay lang talaga ako, naglinis, nag-ayos at nanoood ng TV kasama ang mga dogs ko.

Nakibalita na lang ako sa mga baklang reporter na super-ikot sa mga iba’t ibang lugar na pinagbakasyunan nila.

Siyempre, ang isa sa tinutukan ay ang Boracay na paboritong puntahan pa rin ng mga turista at mga bakasyunista.

Sabi naman nila, kung ikumpara sa mga nakaraang taon, mas konti ngayon, lalo na ang mga artistang nagbakasyon.

Palagay ko, karamihan sa mga artistang nagbakasyon hindi na sila nag-Boracay dahil sa dami ng mga gulo na nangyari nu’ng nakaraang taon.

Meron pa rin ngayon, pero behaved sila at medyo tahimik nga at wala gaanong kontrobersiyang nangyari roon.

Ilan sa mga magdyowang naispatang nandu’n ay sina Iwa Moto nga at ang non-showbiz boyfriend niyang si Mikey Ablan kasama ang mga barkada nila.

Ang kapansin-pansin pa raw roon ay sina Sam YG o si Shivaker kasama ang Brazilianang si Daiana Menezes na wala pa ring inaamin pero kuhang-kuha ng mga photographer natin kung gaano sila ka-sweet.

Nakatsikahan nga ng Startalk at Tweetbiz reporter namin, naka-stay raw sila sa White House pero klinaro nilang dalawa na hindi sa iisang room. Pero parang ayaw nilang maniwala dahil ang sweet nila at nu’ng hinintay nga nila para interbyuhin, sabay naman silang lumabas sa iisang room.

Ang sabi naman ni Sam, ayaw na raw nilang lagyan ng label ang kung ano mang relasyon meron sila. Basta ini-enjoy na lang daw nila ang company ng isa’t isa kahit ang tawagan nila ay ‘Babe’ at nakunan sila ng ilang beses kung gaaano ka-sweet. Kaya siguro wala nang tanong kung bestfriends lang sila, dahil kitang-kita naman ang espesyal na pagtitinginan nilang dalawa.

KUMPLETO ANG BUONG pamilya roon ni Sen. Bong Revilla at Lani Mercado dahil halos taun-taon naman talaga ay nasa Boracay sila. Pero in fairness, talagang inu-observe naman nila roon ang Holy Week dahil talagang nagsisimba sila roon pagdating ng Biyernes Santo. Nakunan din nga sila roon ng mga photographers natin.

Dapat ay hindi kasali roon si Jolo Revilla dahil may imbitasyon siya sa isang event sa Hong Kong, pero hindi na ito natuloy at nag-enjoy naman siya sa bakasyon niya sa Boracay kahit walang Lovi Poe na kasama. Kasi nu’ng nakaraang taon lang, kasama pa nila si Lovi na nag-Holy Week doon.

Ilan din sa mga taga-Starstruck 5 na nagbakasyon doon sa Boracay ay sina Sarah Lahbati, Enzo Pineda, Sef Cadayona, Princess Snell, Rox Montealegre at Rye Burgos.

Nakatsikahan ng reporter naming si Gorgy Rula sina Sarah at Enzo at mukhang sweet itong dalawa, huh! Dati ay natutukso lang silang dalawa na parang bagay magka-loveteam pero sila ang laging magkasama sa Boracay na talagang hindi mo mapaghihiwalay.

Sabi naman nila, bata pa sila para sa ligawan pero naging close lang daw sila at mas focused daw muna nila ang trabaho.

Hindi pa nga sila tapos sa workshop ng GMA Artist Center at mas gusto raw muna nilang may mapatunayan sila sa kanilang career bago magka-lovelife. Pero in fairness, bagay naman silang dalawa, huh!

Nakatsikahan ng reporter namin itong sina Sarah at Enzo sa La Carmela de Boracay ni Boy So. Talagang pinagkaguluhan sila roon. Kilalang-kilala na sila at type sila ng mga fans na magkasama, huh!

Siyanga pala, gusto lang pasalamatan ni Gorgy si Boy So at kasama na rin si Boy Abunda na nag-sponsor ng pag-stay nila roon sa La Carmela de Boracay.

In fairness, iba talaga ang PR ni Boy So, huh! Kaya talagang laging fully-booked ang resort niya sa Boracay. Bongga!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

8 thoughts on “Daiana Menezes at Shivaker, kapansin-pansin ang sweetness sa Boracay!

  1. lolit:
    wala ka talagang kadala dala noh?!
    panai pa rin gawa mo ng kwen2..
    mga kaetchozan mooo!!
    dapat sau mabulok sa bilangguan..
    mga lalaki dapat ksama mo para wasak yang burat at bunganga moooo!!

  2. seen scene: “ Ting” ang pronounciation ni Marian Rivera sa title ng upcoming movie nila ni Dingdong Dantes, ang You To Me Are Everything. Need ni Marian ng speech lesson.
    I agree!

  3. walang kwenta ang lahat ng pinagsasabi mo dito lolit…kadiri naman si shivaker bakla at wannabe star na si daiana na yan…bagay silang dalawa mga engot..yikes

Leave a Reply

Your email address will not be published.