Daiana Menezes at Carlo Guevarra, exclusively dating! – Alex Brosas

HINDI PA PALA boyfriend ni Daiana Menezes si Carlo Guevarra. Ang sabi ng hitad na Bazilian model, “We’re together. I cannot tell you, boyfriend ko na siya kasi parang maaga pa. I should know him for three years to call him boyfriend. I don’t wanna call him my boyfriend. You can say we’re exclusively dating,” esplika ni Daiana sa GMA Party for the Press kamakailan.

Ang tsismis, si Daiana raw ang dahilan kung bakit lumipat sa GMA si Carlo. Dating Kapamilya star kasi ang binata na nagwagi sa search ng Bench a few years back.

“I gave him a few tips. I always advice him for the best. What he does in his private life, it is up to him. I used whatever connections I have just to give him the best pero it’s really up to him. I can’t say tinuruan ko siya, ask mo na lang siya kasi parang ang pangit naman na sabihing dahil sa akin kaya siya lumipat,” paliwanag ng dalaga.

Sabi ng Bazilian model na sikat na sikat na dahil sa Eat… Bulaga!, nagkakilala sila ni Carlo sa Lipgloss, isang youth-oriented show ng TV 5.

Aware si Daiana na na-link minsan si Carlo kay Yeng Constantino.

“I never met her. Whatever issue that came out, wala akong alam. Wala akong inagaw,” mariing pahayag ng model.

Feel na feel ng dalaga ang ating bansa kaya naman gusto na niyang dito manirahan.

“I love this place. Gusto ko talaga rito. If I could stay here for good, maganda.”

Lately, tinutukso-tukso si Daiana kay Wally Bayola na co-host rin ng Eat… Bulaga! Agad itong itinanggi ng dalaga.

“Wala ‘yon. That was just a joke by Tito Joey. Wala ‘yon, wala.”

HINDI PALA TOTOONG gusto nang layasan ni Regine Velasquez ang GMA-7. Hindi ito puwedeng mangyari dahil nakakontrata siya sa nasabing network.

Sabi ng isang insider sa Kapuso network, paano raw itong mangyayari, eh, may shows na lalabasan si Regine. He must be referring to Darna where the songbird plays Elektra.

Speaking of Regine, napanood namin ang After The Rain Christmas Special ng GMA-7 noong Sunday at medyo naloka kami kasi parang wala sa kundisyon ang boses ng magaling na singer. Hindi na niya maibirit ang kanyang mga kanta. Parang kinakapos na siya ng hininga sa kanyang song numbers.

It could be na pagod lang si Regine. Siguro, konting pahinga lang ang kailangan niya. O, baka naman medyo stressed siya when the show was taped.

GRABE ANG PROTEKSIYON na ibinibigay ni Suzette Ranillo sa kanyang pamangking si Krista Ranillo.

Natawa kami nang malaman naming super search si Suzette kung may reporters o TV crew nang magpunta si Krista sa ABS-CBN with her manager Arnold Vegafria for a meeting. Talagang siniguro raw ni Suzette na walang camera nang lumabas sila sa meeting room.

Ang nakakaloka pa rito, sinabi ni Arnold na magpapa-presscon siya to clear the Manny Pacquiao-Krista Ranillo rumored romance, pero nagbago na siya ng isip. ‘Yung interview niya sa Showbiz News Ngayon ay iyon na daw iyon at wala nang magaganap na presscon para sa kanyang alaga.

Gano’n?

Ang nakakaloka pa, ibinuking ni Kris na ipinatatanong ni Krista kung ano raw ang sinabi ni Jinkee Pacquiao tungkol sa kanya. A few weeks back, Kris was telling everybody na nagpapalitan sila ng text messages ni Jinkee.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

3 thoughts on “Daiana Menezes at Carlo Guevarra, exclusively dating! – Alex Brosas

  1. marami naman na talaga ang gustong lumayas sa GME pero may contract pa sila kaya hindi nila magawa…. example na lang si Regine, Manny pacquiao, Sunshine Dizon.

  2. Wow this issue is becoming a never ending story…
    only time can tell if she’s pregnant or not.

    Pero kung hindi naman talaga guilty, why all fuss about camera, reporters and going out on talk shows? Sobrang ARTE naman nitong ”inosenteng” babaeng ito.

    And correct, si Suzette na walang trabaho, sasawsaw pa talaga ha… OA na kayong pamilya kayo.

  3. Bakit ayaw pakunan ng picture? BUNTIS BA? Lumalaki na ba ang tiyan? Papatol patol sa me asawa..ngayon , itinatago ang kasalanang ginawa!!! Tapos, kunsintodor pa ang tiyahin na walang trabaho. Gustong makinabang din sa yaman ng lalaking pinatulan ng pamangkin.

    Hindi ninyo maitatago iyan ng habambuhay. Makakarma din kayo sa ginawa ninyo sa mga anak at kay Jinkee.

Leave a Reply

Your email address will not be published.