Daiana Menezes, 6 years pinaghihintay si Shivaker!

AT THIS POINT in her pregnancy, hindi na raw pressured si Gladys Reyes kung ano ang magiging gender ng ikatlong baby nila ni Christopher Roxas.

“May boy na kami (Christoph, four years old), tapos girl ang sumunod (Aquisha), kumbaga whether lalaki or babae ang isilang ko, okey na. But if I had my way, gusto ko sanang kambal para isahan na lang. Ideally kasi, ang gusto ng asawa ko, apat na anak, tapos pack-up na,” sey ni Gladys.

Kung tutuusin daw, ang kanyang pagbubuntis came through unexpectedly. Polycystic kasi ang kundisyon ni Gladys ,kung saan mahihirapan na siyang magbuntis ulit. “Pero sabi nga ng OB-gyne ko, ang tindi raw ng kamandag ng asawa.”

Turning eight weeks na ang nasa sinapupunan ng TV host-actress na ayon sa kanya ay “made in Boracay.” Mid-February when Gladys’s entire family hied off to the island, pero siyempre, nagkaroon sila ng private moments ni Christopher. Her menstrual visit stopped towards March, and that was it.

“Akala mo first-time dad, pero napaiyak talaga si Christopher nu’ng malaman namin na buntis ako. Kasi nga we never expected it, pero unexpected blessing ‘yon,” says Gladys of the child in her womb whom they simply called “Baby Three.”

BLIND ITEM: MAHIRAP paniwalaan ang nasagap ng inyong lingkod tungkol sa isang sikat na cosmetic surgeon, or to be very precise about it, sa isa sa kanyang mga staff who performed a botched facial procedure that resulted in the patient’s comatose condition.

Sinasabing disi-otso anyos ang kliyenteng nagsadya sa clinic na pagmamay-ari ng tanyag na doktora para sumailalim sa tinatawag na Thermage. Hindi ako pamilyar sa naturang proseso, pero karaniwan nang nagiging epekto nito ay ang paglobo ng mukha na bumabalik naman sa dati.

Sa kaso ng naturang kliyente, she slipped into a coma. Ang kakambal pa niyang kapatid ang nagsugod sa kanya sa pinakamalapit na ospital.

When told to us, mahirap bilhin ang kuwento. In recent past, inireklamo na rin ng isang kliyente ang clinic na ‘yon. Surely, naging mas maingat na ang staff ng kilalang surgeon para hindi na maulit ang pangyayari.

MUKHANG NAI-IMBIBE NA ni Daiana Menezes ang kulturang Pinoy despite her Brazilian blood. Pero mukhang sinaunang tradisyon natin ang umiiral sa kanya.

For the record, she and rumored boyfriend Sam YG or better known as Shivaker are not officially on yet. Aminado si Daiana that Sam is not anywhere close to being a boyfriend material. “But I find him to be a husband material,” sey ng Brazilian beauty.

Pero may kundisyon si Daiana if at all, Sam is really hell-bent on having her as dyowa. “He has to wait for six years.” Time was when Filipino courtship involved pagsisibak ng kahoy, pagsasalok ng tubig, pamamanhikan, etc.

For an Indian and a Brazilian, going back in time looks cute.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleLarawan sa Canvas: ‘Paano Ko Sasabihin?’ Umani ng Tagumpay
Next articleRafael Rosell, ‘di ipagpapalit ang utang na loob sa Dos!

No posts to display